ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD
1. Sa Lupaing Ninuno 1. Kilalanin ang karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno batay sa itinatadhana ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA. 2. Maglaan ng karagdagang pondo sa NCIP para sa lahat ng gawain (gaya ng pagsusukat) na may kaugnayan sa aplikasyon sa CADT sa lahat ng bayan na may mga pamayanang katutubo. 3. Pondohan ang pagbubuo ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) ng CADT sa bawat bayan na may mga pamayanang katutubo. 4. Repasuhin ang kasunduan sa pagitan MWSS, lokal na pamahalaan at ng ilang lider ng mga katutubo ukol sa Sumag-Umiray Transbasin Project sa Hen. Nakar. Tiyakin na ang pondong nakalaan para sa mga katutubo ay makakarating sa kapakinabangn ng mga katutubo. 5. Huwag payagang matuloy ang pagtatayo ng Laiban Dam, Kanan B1 Dam at iba pang dam na gagawin sa bahagi ng Lalawigan ng Quezon. 6. Huwag pahintulutan ang mga bagong aplikasyon sa mining, IFMA at SIFMA sa lalawigan ng Quezon. Ipatigil ang mga mining operation na sumisira
Comments