Saturday, November 7, 2009

Lakad laban sa Laiban DAM Day 4


MEDIA ADVISORY
Day 4 Lakad Laban sa laiban
Nov 6 2009 Saturday
Mabitac, Laguna
By Bro Martin Francisco SSMN spokeperson
CP (0929) 783-5240

____________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ ___

MABITAC,LAGUNA – Ang katutubo, magsasaka, maralitang-lungsod, kabataan at mga environmentalist ng kasama sa 150 marchers ng Lakad Laban sa Laiban ng Save Sierra Madre Network (SSMN) ay patuloy sa kanilang ika-apatna araw na paglalakad mula sa parokya ni San Sebastian, Famy, Laguna hanggang bayan ng Pililia, Rizal na may sukat na 26 kilometro kung saan ay tinanggap sila upang magpalipas ng gabi at binasbasan din sa kanilang muling paglalakad ni Msgr. Eser kura paroko.



Ang naging tema ng mga nag-alay Lakad Laban sa Laiban at seguridad sa pagkain kung saan ay nadaanan nila ang mga palayan sa tabi ng Lawa ng Laguna na pinalubog ng nakarang mga bagyo ng Ondoy,Pepeng at Santi. At makikita sa bakas ng mga palayan hanggan ngayon ang pinsala ng pagkalubog ng mga nasabing palayan na pumatay ng maraming palayan dulot ng pag-agos ng tubig baha kasama ang putik mula sa Sierra Madre.

Bahagi ng kampanya at diwa ng Lakad Laban sa Laiban dam ay Makita ang ugnayan ng Sierra Madre sa mga mga magsasaka na siyang lumilinang ng ating palayan nguynit ngayon ay naghihirap dulot ng pagkawasak na tin ng ating kalikasan at kawalan ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga itatayong proyektong di kaugnay ng ekosistema tulad sa Laiban.

Nakiisa ang mga marchers sa mga magsasaka ng Mabitac na hanggang ngayon ay unti-unti nilang inaani ang ilang nabulok na palay na nalubog sa baha. At tanaw sa kabundokan ng Mabitac ang malawak na palayang pinalubog ay nadama nila ang kahirapan ng lahat kung nagsalo-salo sila lugaw sa bao bilang pakikiisa sa kalagayan ng ating food security,

Nanaawagan ang mga marchers ng Lakad Laban sa Laiban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na tuluyan ng ibasura ang pagtatayo ng Laiban Dam upang ano anumang kahirapan ng mga maliliit na magsasaka at ang ating bansang umaasa sa mga palayan ay hindi kapusin ng bigas.

Kita sa hirap na nararamdaman ng mga marchers ang kanilang pananakit ng katawan, paa na puro paltos na at mga tsinelas na pudpod ang kanilang kasalukuyang kalagayan matapos ang pang-apat na raw na pagsasakripisyo nila upang mapansin ng ating Pamahalaan ngunit higit ag kanilang pagdaramdam sa kalagayn ng ating sakahang pinalubog ng baha dahil na rin ating kapabayaan at maling pagpapasya ng ating mga pinunong lider ng bansa.

Bmf 11:05am/pililia

Thursday, November 5, 2009

Lakad laban sa Laiban Dam


Igalang ang aming buhay, kilalanin ang aming karapatan... Pangalagaan ang kabundukan para sa ating kinabukasan...

Monday, July 20, 2009



TANGGAPAN NG GOBERNADOR NG TRIBU
2nd floor TCD building
# 86 P. Gomez St. Pob. 39
Infanta, Quezon



Hulyo 16, 2009


GLORIA MACAPAGAL ARROYO
Pangulo ng Pilipinas
Palasyo ng Malakanyang



Mapagkaisang pagbati!

Ang tangagan po ng Gobernador ng mga Katutubo ay sumulat sainyong tanggapan upang ipaabot ang isang kahilingan kaugnay sa mga proyektong nakakaapekto sa buhay at ari-arian ng mga mamayanan sa tatlong bayan ng hilagang Quezon (Real, Infanta at Gen. Nakar), Ganundin po ang pagkasira ng ating kalikasan sa nasabing bayan.

Sapagkat; ang mga proyektong LAIBAN DAM na sumasaklaw sa bahagi ng RIZAL at bayan ng GENERAL NAKAR, QUEZON ay tinututulan po naming maisakatuparandahil nababahala po kami na maulit ang naganap na sakuna noong November 2004 kung saan marami ang namatay at nawalan ng mga ari -arian.

Sapagkat; ang proyektong nabanggit ay sakop ng aming Lupaing Ninuno na aming pinangangalagaan upang hindi masira at mapanatili ang magandang kabundukan at likasyaman na kung saan dito kami naninirahan.

Sapagkat; ang mga proyekto pong nabanggit ay walang pagkonsulta sa aming hanay na mga Katutubo. Ito ay po ay paglabag sa Republic Act 8371 o batas IPRA. Kung kaya’t mahigpit naming tinututulan. ang proyektong LAIBAN DAM. Kasabay po ng pagtutol na ito ay hinihiling po namin sa inyong tanggapan na kansilahin ang kapahintulutan sa pagsasagawa ng proyektong nabanggit sa lalong madaling panahon.

____________________ _______________________
MILICIO RUTAQUIO NAPOLION BUENDICHO
Volunteer Staff TRIBAL GOVERNOR



Binigyang sipi:

Hon. Rafael Nantes (Governor Province of Quezon)
Hon. Mark Enverga (Congressman of 1st District of Quezon)
Sec.Lito Atienza (Department of Environment and Natural Resources)
Dir. Roberto Almonte (NCIP Provincial Office)
Hon. Leovigeldo Ruzol (Municipal Mayor of General Nakar, Quezon)

Pahayag sa ng Suporta

CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP)
EPISCOPAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES (ECIP)

CBCP BLDG., 470 GEN. LUNA STREET, INTRAMUROS 1002 MANILA, PHILIPPINES
TEL. 02-527-4062 FAX. 02-527-41-55 EMAIL: ecipns@yahoo.com.ph



PAHAYAG NG PAKIKIISA LABAN SA LAIBAN DAM
Hulyo 20, 2009

“…Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagpakumbaba” (Santiago 4:6)

Ang Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) ay nakikiisa sa pagtutol ng mga katutubong Agta at Remontado, kasama ang maraming maka-kalikasang grupo, laban sa pagtatayo ng Laiban Dam. Kami rin ay sumusuporta sa pahayag ng Prelatura ng Infanta at Social Action Center ng Diyoses ng Antipolo laban sa bilyon-bilyong pisong halaga ng proyekto na magpapalubog sa pitong barangay ng Rizal at isang barangay ng Quezon.

Noon pa mang dekada ’80, mariin nang tinututulan ng mga katutubong Agta (Dumagat) at Remontado ang pagtatayo ng Laiban Dam sa kadahilanang ito ang sisira ng kanilang lupaing ninuno, lupain kung saan nakaugat ang kanilang buhay at kultura. Tulad ng mga pahayag ng SAGIBIN-LN, Tribal Center for Development (TCD) at opisina ng Tribal Governor ng Quezon, patuloy ang paggigiit ng mga katutubo na igalang ang kanilang karapatan na kinikilala ng batas IPRA (Indigenous Peoples Rights Act). Ngunit nananatiling sarado ang mga mata at tainga ng pamahalaan sa maraming karaingan ng mga katutubo na tagapagtaguyod ng kalikasan.

Kahina-hinala ang pagkakataon sa pagbuhay ng nasabing proyekto. Maiuugnay dito ang napipintong pagkakaloob sa isang malaking kumpanya na masasabing dumaan di-umano sa tamang proseso. Dagdag pa rito, ang limpak-limpak na salaping gugugulin ay bato-balani sa pangungurakot lalo na sa panahon ng pambansang eleksyon.

Nababahala rin kami sa panganib na idudulot ng Laiban Dam hindi lamang sa walong barangay, bagkus sa mas malawak na lupain na sumasakop sa lalawigan ng Rizal, Quezon at maging sa kalakhang Maynila. Panganib na nakabatay sa masusing pag-aaral ng mga dalubhasa at sa karanasan sa mga nakalipas na trahedya.

Naniniwala kami na ang plano ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS) para sa Laiban Dam ay di tugon sa magiging kakulangan ng kalakhang Maynila sa tubig. Ang dapat na pagtuonan ng panahon at paglaanan ng pondo ay kung papaano mapuksa ang walang habas na pagsira sa kagubatan ng Sierra Madre. Dapat din na mapaunlad ang mga watershed ng Angat at Ipo sa pamamagitan ng patuloy na pagtatanin ng mga punong kahoy at pangangalaga sa mga ito. Dagdag pa rito ay ang pagbabagong pananaw ng mga nakararaming tao sa paggamit ng likas na yaman at sa gawa ng Lumikha.

Ito ay maisasagawa kung sama-sama nating itataguyod ang tunay na kaunlaran at maka-kalikasan para sa kapakanan ng nakararaming mamamayan at di para sa interes ng iilan lamang.


Para sa Episcopal Commission on Indigenous Peoples,




(SGD)+MOST REV. SERGIO L. UTLEG, D.D.
Tagapangulo ng ECIP at Obispo ng Laoag

Friday, May 1, 2009

Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Ang Casiguran ay matatagpuan sa lalawigan ng Aurora kung, Bagamat pinasok ito ng logging ay masasabi parin na mayaman ang kapaligiran nito. Malalawak na palayanan na sinasaka ng mga magsasaka, malinis na Dagat na pinapangisdaan ng mga mangingisada. Sa mayamang kapaligirang ito nabubuhay ang maraming mamamayanan masasabing dito nagmumula ang pangunahing hanap buhay.

Ang pangunahing tao na naninirahan dito ay ang mga katutubong Agta/Dumagat, sila ay matatgpuan sa baybay ng dagat at sa mga bulubundukin ng Sierra Madre. Sila ay malayang namumuhay sa mayamang kapaligiran sa piling ng lupaing ninuno.

Munit lingid sa kanilang kaalaman sila pala ay mapapalayas sapilitang magbabago ang kanilang kutura, pamumuhay Dahilan sa masasakop ang 3 baranggay na tinatawag na AURORA SPECIAL ECONOMIC ZONE AUTHORITY(ASEZA) kung saan nakapaloob dito ang pamayang katutubo, Di pa kasama dito iba pang karatig pamayanan na matatagpuan sa bayan ng Casiguran na maaring maipiktuhan ng ASEZA.

Monday, March 30, 2009

Pangulo ng SAGIBIN pinarangalan

March 29 2009 Si Conching Calzado ay nakatanggap ng isang pagkilala sa pagdiriwang ng Natatanging Araw ng kababaihan sa bayan ng gen. Nakar, Quezon.

Si Conching Calzado ay isang katutubong Agta/Dumgat sya ay pinanganak sa bayan ng gen. Nakar sa pamayan ng Tamala, Mahabang panahon syang kumilos bilang isang lider, naging pangulo ng SAKABINSA noong 1987, Naging kunsehal ng Bayan ng Gen. Nakar, sa kasalukuyan ay pangulo ng SAGIBIN-LN.

Thursday, March 26, 2009

Sino ba si Napoleon Buendicho

Si Napolion Buendicho ay isang katutubo Dumagat 32 taong gulang, Sya ay pinanganak sa Bayan ng Hen. Nakar, Quezon Sa pamayan ng Tamala, Brgy. San Marcelino noong April 04, 1977.

Siya ay nakatapus ng Literacy and Numeracy ng Sentrong paaralan ng mga Agta (SPA) sa Brgy. San Marcelino, Hen. Nakar, Quezon noong 1988. Modular Course on Indigenous Peoples Education noong 1994. Dagdag dito ang ibat ibang mga pagsasanay na kayang dinaluhan

Malaki ang karanasan sa paglilingkod sa pamayanan, naging Community Organizer ng TCD, Vice -President at president ng AGTAorg at naging Borb Member sa Tribal Center for Development Foundation

Dumagat/Agta may bagong halal na Pinuno



Maaalalang noong Oktubre 8, 2008 si G. Napoleon S. Buendicho ay itinalaga bilang bagong gobernador ng Tribung Dumgat ng mahigit sa 400 daang katutubo na mula sa mga bayan ng Burdios, Pollio, Panukulan, Real , Mauban at Gen. Nakar ng Lalawigan ng Quezon. at binasbasan kinilala noong October 9, 2008 na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa, Simbahang katuliko sa katauhan ni Fr. Mario Establiceda, at kinatawan mula sa upisina ni Gob. Raffy Nantes at Mayor Liovigeldo Ruzol at Vice Mayor Josie Vargas
Sa bisa ng RA. 8371 IPRA (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) na kumikilala katutubong batas (costumary laws). itinalaga si Napoleon
Mariin naman tinutulan ng dating Gobernador ng tribu ang pagkakatalagang ito, Dahilan dito sinuri at pinag-usapausapan ngmga nakakatanda ang riklamong ito.

Sa pamamagitanat ng Mungkhi ng NCIP na gamitin ang katutubong batas at dahilan dito nagkaroon ng panawaqgan na magkaroon ng kapulungan ng mga nakakatanda upang pag-usapan ang riklamo kasama na ang iba pang usaping pantribu.

Sa naganap na pagtitipon muli noong Marso 15 to 17 Inimbitahan dito ang nakatatanda at kapitan ng mga katutubong pamayanan sa bayan ng Nakar, Real, Mauban, Burdeos at kinatawan din mula sa mga katutubong Eta ng Alabat, Katanawan, at Lupes sa lalawigan ng Quezon. Inimbitahan din dito ang ibat ibang Samahang pang tribu. SAGIBIN-LN, AGTAOrg, PKSK, SKBS at dinukuminto at pinadaloy ng NCIP sa tulong din ng TCD.

Sa kabuoan ng kapulungan ng mga matatanda,nakaglabas ngmga mga 5 resulosyon una dito ay ang: Resulosyon Paglalaan ng pundo para sa mga katutubo sa bayan na maykatutubo. Resulosyon sa pagsasaayos ng katutubong balangkas pampulitaka, Resulosyon ,Tigilan ang paglabag sa karapan ngmga katutubo ng mga armadohang grupo, ang patuloy na militaresasyon. Resulosyon na magkaroon ng pundo para sa scholar sa mga katutubo.
At ang Resulosyon sa pagkilala at pagtatalaga kay Napoleon Buendicho bilang bagong Gobernador ng Trubo, na kapalit ni Thelma Aumentado.