Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Ang Casiguran ay matatagpuan sa lalawigan ng Aurora kung, Bagamat pinasok ito ng logging ay masasabi parin na mayaman ang kapaligiran nito. Malalawak na palayanan na sinasaka ng mga magsasaka, malinis na Dagat na pinapangisdaan ng mga mangingisada. Sa mayamang kapaligirang ito nabubuhay ang maraming mamamayanan masasabing dito nagmumula ang pangunahing hanap buhay.

Ang pangunahing tao na naninirahan dito ay ang mga katutubong Agta/Dumagat, sila ay matatgpuan sa baybay ng dagat at sa mga bulubundukin ng Sierra Madre. Sila ay malayang namumuhay sa mayamang kapaligiran sa piling ng lupaing ninuno.

Munit lingid sa kanilang kaalaman sila pala ay mapapalayas sapilitang magbabago ang kanilang kutura, pamumuhay Dahilan sa masasakop ang 3 baranggay na tinatawag na AURORA SPECIAL ECONOMIC ZONE AUTHORITY(ASEZA) kung saan nakapaloob dito ang pamayang katutubo, Di pa kasama dito iba pang karatig pamayanan na matatagpuan sa bayan ng Casiguran na maaring maipiktuhan ng ASEZA.

Comments

Popular posts from this blog

ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD

IKALAWANG AGTA/DUMAGAT PANUPPOY FESTIVAL,Ipinagdiwang!