Thursday, September 16, 2010

ANG HAPUNAN KO SA MALAKANYANG

Nakatanggap na ba kayo ng ibitasyon ng ganito….
“Dear Mr. Ramcy Astoveza,
On behalf of the Office of the President, we are sending you the attached the electronic copy of the invitation for you to the Dinner Reception hosted by the President in Celebration of the 2010 Eid El-Fitr. Kindly let us know the address where we may send the actual invitation.You may respond to this e-mail to confirm your attendance or call the numbers listed in the guest cards to RSVP.” Waw galing… agad ko nabasa “Office of the President,”
Taas noo ako dahil bihira ang ganon na pangyayari ang ganun na maimbitahan ka ng mismong Opisina ng pangulo… E kung bihira maimbita sa munisipyo e lalong napaka impusibling mangyari sa lago anganun sa opisina ng pangulo… Tuwang tuwa ako syempre… lagi ko kinukwinto sa kapwa ko katutubo…. At sila rin kahit di sila kasama natutuwa na kami ay naimbitahan kahit ako lang ang pwidi...
Binasa ko pa ang imbitasyon… Dinner tananung ko agad sa kasama ko kunga anong dinner “ alam ko naman kaso nagsiguro ako na tama ang pang-unawa ko… Hapunan…. Waw na naman… kasalo ko ang pangulo sigurado e hapunan yon e…
Ganun paman, gusto ko humingi sa mga kapatid nating Mislim dahilan sa hindi ko naman masyado naintindihan ang pagdiriwang na ito ganun paman dahil ako ay isang katutubo tinatanung ko kung ano ibigsabihin nito… di man ganun ka linaw ang kahulugan nito sakin naramdaman ko ang kasagraduhan nito dahil ito ay tumatahi sa kanilang pagkatao… nagpapanatili ng kanilang kasaysayan… Dahilan dito buong puso ko na tinugun ang imbitasyon na ako ay dadalo at makikiisa… nais ko maunawaan at maintindihan ang aming pagkakaiba ng kultura…
Sa tuwa ko agad ko sinagut…. Ng ganito…
“Ako po ay natutuwa na mapasama. Makakapagpadalo po kami, ilan po ba kilangan o pwiding isama?”
Napaka bilis at maiksing masyado ang saking sagot, nalimutan ko panga Addris namin… pinahabol ko na lang…. Buti na lang may E-mail ako… madali kong nasagut… kung nagkataon na wala pamihado wala na naman… May nalimutan na naman ako, dahilan sa ang aming tribu ay masyadong naisantabi, napakababa ang tiwala sa sarili bunga ng mahabang panahon na diskriminasyon… dali dali ko tananung ulit… ang ganito…

Magandang umaga po,

May ilang bagay po pala ako nais itanung

1. tungkol sa kasuootan, pwidi po ba doon ang nakabahag ito ay aming tradisyon at opisyal na kasuotan sa panahon ng mga opisyal na pagtitipon. Kung hindi po pwidi ano po ang pwidi?
2. Saan na po magkikitakita, tayo po ba ay samasamang pupunta sa Malakanyang? saan magkikitakita?

ito lamang po at muli maraming salamat
At agran din naman akong sinagot….
Mr. Astoveza,


Maraming salamat po sa agarang sagot at pagkumpira. Ikinalulungkot naming ipaalam na ang imbitasyong ito ay ipinadadala namin sa mga piling kinatawan lamang ng bawat NGO at civil society organization. Ang imbitasyong ito ay para lamang sa inyo. Nawa'y sa mga susunod na salu-salo ay magkaroon ng pagkakataon ang iba pa nating kasama na makadalo.

Ipadadala na lamang po namin ang aktwal na imbitasyon sa iyong adres.

Salamat sa inyong pang-unawa. Aasahan po namin ang inyong pagdalo.

Galing no… buti na lang may Internet…. At sagut pa rin…
Dear Mr. Astoveza,

Pasensiya na po, Sir, maliban po sa ating mga kapatid na Muslim magdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan, ang lahat po ay inaaasahang magsuot ng pormal na kasuotan (polo/Barong/longsleeves at slacks para sa lalaki).

Tungkol naman po sa pagpunta sa MalacaƱang, hindi na po tayo magtitipon bago pumunta. Diretso na po kayo sa MalacaƱang. (sadya ko ilalis ang pangalan nakakahiya naman sa kanila at kaibigan naman natin sila…

Salamat po.

Nalungkot ako, tungkol dito… piro di naman ako nawalan ng pag-asa… kinausap ko ang ilang mga matatanda ilang leder… Tinanong ko sila… ano Magbarong ako o hindi… Sabi nila dapat magsuot ka ng bahag, di na nga kami makasama pati ang tribu natin di mo ipapakilala… kapag nakabahag ka… ibig sabihin ang tribu natin tinatanggap sa Malakanyang… Bilang naimbitahan ako… pinakita ko sa kanila na kayak o ipasuk ang aming tribu sa Malakanyang… Inayos ko ang aking bahag… palamuti… di ko nga makita ang nakatabi ko na Biskal nanghiram na lang ako. Ang biskal po ay isang gamit namin upang ang isang katutubo ay tingnan ng ka tribu mo na Makisig, Kagalang galang… isinuuot ito sa Kisig ng braso…

Dahil di pa maayos ang ID ko… Dinala ko ang Passport ko… baka di ako papasukin dahil kilangan naman talaga yoon para sa siguridad… at paggalang

Sept. 10 yata ang pagtatapos ng Ramadan, pero sa malakanyang 13 naipagdiwang, marami siguro gawa ang pangulo, dahil Sept. 13 ito pinagdiwang ng malakanyang at Sept. na naman ako pinapadalo, medaling araw ako umalis pungtang maynila… Dumalo na rin ako sa isang okasyon dahilan sa hapon naman ito padiriwang… sinamantala ko na namakasama pa sa ibang gawain...

Hapon na, kinakabahan ako, syempri makikita ko na ang presidinti… panay tingin ko sa urasan… Nag-iisip pa rin ako kung pwidi o hindi ang nakabahag… noong mga 4:00 na nag hapon ng Sept. 13, kinausap ako ng ilang mga kaibigan namin, ano ang araw susuotin? Sabi ko naman Bahag syempri… Mahigpit raw ang malakanyang sa kasuotan… Ito ay para sa mga kapatid nating muslim… Baka maiskandalo ang mga kababaihang muslim… sabi naman ng isa sa kalapit ko… pahiramin kita ng susuotin mo… Marami raw protukol sa malakanyang… Ssaka Denner lang naman daw … wala ibang pag-uusapan… dina magsasalita… Nag-usap usap sila…
Tinigasan ko sakanila na susuotin ko ang aking aming prumal na kasuotan, ito ang nagpapakilala kung siino ako at taga saan ako… Dahilan sa di ko gusto na alisin ang bahag ko, Dahil di ko naman kabisado ang kultura ng ating mga kapatid at ako bilang katutubo napakahalaga sa akin ang paggalang dito… ito ay sagrado at datap igalang at pahalagahan. Sa amin ito ang nagpapanatili ng aming kapayapaan, ugnayan paggalang at pagpapahala… Pinasya ko at sinabi ko na dindi na lang ako sasama at papasuk sa malakanyang at makiisa sa pagdiriwang…

Naiwan ako ng mga kasama ko na imbitado at may isa pa pala ako kasama na di nakapasok dahilan sa sinabihan ko na magbahag kami. . . . Napahiya nga ako dahil ako ang may gawa bakit di sya nakapasok… panay ang hingi ko sa kanya ng pasensya… Sabi naman nya… okey lang yon papat naman na kilalanin nila tayo…

Pag-alis nila… Naisip ko, Alam ba nila na ako ay katutubo na inimbita nila? Nasa plano ba nila na imbitahan ako? Naisip ko naman Siguro alam nila sa planning pa… Naitanung ko rin ano ba papil ko doon ? Di naman ako magsasalita…? Kung pampadami lang ng tao sa Malakanyang marami sa maynila na pwiding mahalbot… Mamahalin pa ang barong di pa sila mapapahiya sa pagdiriwang…

Noong gabi rin ng 13, nag tex ako sa kaibigan ko rin na Pare, Sabi ko di ako pwidi dahil nakabahag ako bawal daw sa loob… Di pala Bawal… Di pwidi ang nakabahag pumasok… Tex nya sakin… Ako naka Abito ako.. kung di ako pinapasok dalawa na kata… Balita ko nakapasok naman… May madre nga doon e…

Ganun paman, Alam ko na diskriminasyon sa amin ito… Ito ay panubagong karanasan ko… Hindi bago ang uri ng karanasan, ang bago rito ay ang Lugar ng pinangyarihan… Sa Kalsada lagi, sa mga bayan lagi.. sa mga paaralan lagi… Minsan nga nasasabi ko na lang sa kanila na nag-aaral ba kayo? Saang school, anong Year… Kung Elementry ka at o Grid 1. pusibli nga kukunti pa ang alam mo para samin… Sa Malakanyang at sa mga nasa loob nito di ko alam ang sasabihin ko… Piro kung susundin ang IPRA at ang mga kasunduan na pinirmahan ng pilipinas… dapat Makasuhan ang gumawa nito lalo at nasa pamahalaan, dahil ito ay isang paglabag sa aming karapatan at pagsasantabi sa aming katauhan… Gusto ko itanung sa mga naghanda ng pagtitipon nito, kinausap ba ng mga nagsipaghanda ang mga kapatid naming muslim na kami ay iimbitahan, kinausap ba nila na kami ay may mga ibang kasuotan? Alam ko sa pinaggalingan nila may mga katutubo rin at kasamasama rin nila sa kumunidad, tulad dito sa aming bayan may mga kaibigan din kami na tulad nila… Kung di naman talaga pwidi, dapat dina kami inimbita ng Malakanyang nang sa ganun di kami naisantabi…

Ang karansan ko na ito ay maaring maulit kung di natin papansinin, Maaring walang halaga, Subalit napakahalaga ito sa amin bilang kabahagi ng pamayanan. Isinulat ko ito, upang mabasa rin ng kaibigan ko, kamaanak ko at ng may ganito ring karanasan.

Salamat posa pagbabasa….

Ramcy

Monday, May 17, 2010

Uloisin a surut pati leterato =: A picture dictionary
Indigenous Law BulletinAustralian Journal of Indigenous Education

Millions Can be Mobilized for Walang Corrupt Walang Mahirap

Open Letter

Millions Can be Mobilized for Walang Corrupt Walang Mahirap

Dear Mr. President-elect Noynoy Aquino:

The Lord give you peace!

I serve the town of Dingalan, Aurora which has 11,000 registered voters and through the PPCRV we monitored here widespread vote buying during the election. There are so many poor people here and the election was indeed a time to earn a little more to appease the hunger, to cure the sick and have some money for education. As if by miracle suddenly Dingalan became a first class municipality. Municipal and provincial candidates poured out cash, food, free rides, water hoses, bancas, improved roads, promised jobs enrolled in payrolls, scholarships. So many were paid and made to sign as as coordinators and pool watchers, etc. Heaven was promised to the poor for their votes. The prophet Amos would complain: “They bought the poor for a pair of sandals.” I found it disgusting how the poor lost their dignity being paid with P100, P150, P300, P500 and P1500 even in the middle of the night. And this is a town that believes in God! As
Church leaders we have to examine ourselves if we have presented the true image of God.

What happened in Dingalan seems to have been experienced all over the country. We were hoping that election time would be a democratic exercise to tilt the balance of power in favor of the poor who are the majority. That did not happen. As it was before, it generally became again an opportunity for the 300 powerful families in the country to consolidate their political base.

Except for the fact that the poor were able overwhelmingly to rally behind your campaign walang corrupt walang mahirap the political landscape seems to be frustrating. It would it have been better if, instead of election, we just gave the political leadership to the highest bidder.

Mr. President, entrenched interest groups are now threatening you with their political gains. On our part in Dingalan we are resorting to legal remedies to reverse the effect of vote buying. It is an uphill battle and we will need all the support that your government can provide to bring about truth and justice. We are also painfully aware that many of your supporters too will be hit by your “walang corrupt” stance. But you can unite the impatient millions who voted for you and even for other candidates that also campaigned for genuine change. These millions can be mobilized to support your agenda for change. Above all, you can rely on God who is incorrupt and is more powerful than all political alliances.

It took Nelson Mandela 30 years in jail before South Africa freed itself from unjust structures. Pope Paul the VI reminded us 40 years ago that “too many, have too little for too long.” Please lead us with wisdom and strength so that with the rich natural and human resources of the country we can finally be free from unjust local and international structures and from unequal distribution of wealth: the youth are in school, the sick are cured, no OFWs are enslaved to work abroad and no one is hungry anymore.

Yes – “ The Filipino is worth dying for” – your father reminded us. We can painstakingly work together towards a reality when gifted ordinary people are elected into office because no one sells vote anymore. We would have recovered our dignity and principles. Buyers of votes and violators of the election laws are disqualified and imprisoned.

(Sgd) Fr. Pete Montallana, OFM
San Patricio Parish
Dingalan, Aurora
May 18, 2010

Sunday, May 16, 2010

Wednesday, April 14, 2010

5,000 Quezon tribesmen uninformed on automated polls - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

5,000 Quezon tribesmen uninformed on automated polls - INQUIRER.net, Philippine News for Filipinos

IKALAWANG AGTA/DUMAGAT PANUPPOY FESTIVAL,Ipinagdiwang!




Ni Kadengat BoyM

Sa kabila ng matinding kahirapan na nararanasan dahilan sa mabilis na pagkaubos ng mga likas-yaman na kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay, ang mga katutubong Agta/Dumagat ay hindi nakakalimot na magbigay ng papuri kay Makidepet (ngalan ng kanilang Diyos) sa mga biyaya nito sa kanila.

Suot ang kanilang mga kulay pulang bahag at tapis, mahigit sa 600 katutubong Agta/Dumagat ang nagtipon sa Plaza ng Inafanta, Quezon mula Abril 6 hanggang 8 para sa pagdiriwang ng kanilang Ikalawang Panuppoy Festival na may temang ” “Pagbabahagi at Pasasalamat sa patuloy na Pagpapaunlad at Pagtatanggol sa Lupaing Ninuno ng mga Katutubong Agta/Dumagat”.

Ang unang Panuppoy Festival ay ginanap noong Oktibre 2008 sa pangunguna ng Tribal Center for Development (TCD) at SAGIBIN-LN, ang pederasyon ng mga pamayanang katutubo sa anim na bayan sa hilagang Quezon sa pamamagitan ng proyektong pangkultura ng Cultural Center of the Philippines (CCP).

Sa taong ito, ang Non-Timber Forest Products- Task Force at Philippine Tropical Forest Conservation Foundation ang nagbigay ng suportang pinansyal para maisagawa ang ikalawang festival at sa pangunguna ni Quezon Tribal Governor Nap Buendicho. Ang mga pamayanan ay nagsipagdala ng kani-kanilang produkto na kanilang ipinagbili gaya ng sawali, mga yaring-kamay at mga produktong gubat na hindi kahoy. Itinampok ng SAGIBIN-LN ang kanilang nakaboteng Honey Bee (pulot.

Apat na mahahalagang gawain ang itinampok sa festival sa taong ito.

Quezon Candidates’ Forum

Sa unang araw, ginanap ang forum sa mga kandidato sa local na halalan sa lalawigan ng Quezon. Ilan sa mga dumalo sa forum ang mga kandidadto ng Lakas-KAMPI-CMD sa pangunguna ng tumatakbong Congresswoman Agnes Devanadera at ni G. Fred Pujeda na tumatakbong Mayor ang tiket nito sa pambayang posisyon ng Hen. Nakar. Samantala, mag-isang dumating si Mayor Leovigildo Rozul na kandidato ng Partido Liberal. Sa bandang hapon ay dumating din ang mga kandidato ng Magdalo at iba pang independent candidate. Nandoon din ang kinatawan ng tumatakbong vice-governor ng Quezon at kasalukuyang bokal Alcala.

Iniharap ng mga katutubo ang kanilang inihandang listahan ng mga kahilingan sa mga kandidato na tinawag nilang ADYENDA NG MGA KATUTUBO PARA SA PAG-UNLAD AT PAGBABAGO. Lumagda sa nakasulat na kasunduan ang mga kandidato ng Lakas-KAMPI-CMD sa pangunguna ni Sec. Devanadera. Sa kanyang pagmamadali na lumisan ay hindi nakapirma ang kasalukuyang punong bayan ng Hen. Nakar. Ilan sa mga pangunahing nilalaman ng kasunduan ay ang pagtutol sa pagtatayo ng mga dam gaya ng Laiban at Kanan B1 at ang pagbibigay ng permit sa pagmimina at pagtutroso sa kabundukan ng Quezon.

Nang banggitin ni Sec. Devanadera ang tungkol sa kanyang plano na gumawa ng batas tungkol sa pagtatayo ng REINA Development Authority ay tahimik lamang ang lahat. Matagal nang tinututulan ng mga magsasaka, mangingisda at mga katutubo ang planong pagtatayo ng airport at seaport sa Infanta dahil sisirain nito ang malawak na taniman ng palay at pangisdaan. Noong nakalipas na Byernes Santo ay nagsagawa ng malaking protesta ang may 1sanlibong mamamayan ng Casiguran ukol sa Aurora Special Economic Zone o ASEZA, isang katulad na proyekto ng mga Angara sa lalawigan ng Aurora. Tiniyak naman ni Devanadera na kanyang lubos na pinapahalagahan ang pagsasagawa ng masusing pag-uusap sa mga mamamayan upang makabuo ng mga makabuluhang proyekto at batas.

Multi-sectoral Forum

Ang Adyenda ng mga Katutubong Agta/Dumagat para sa Pag-unlad at Pagbabago ay iniharap din sa pagtitipon ng mga kinatawan at pamunuan ng iba’t-ibang ahensiya ng pamahalaan at NGOs upang hingin din ang kanilang suporta at katugunan sa ikalawang araw ng festival.

Ipinahayag ni Dir. Roberto Almonte ng NCIP Quezon Provincial Office ang nakakadudang pangyayari sa pagkakapatibay ng mga dating pamunuan ng NCIP National sa aplikasyon sa pagmimina ng PKSK-Nakar sa Viewdeck, Barangay Lumutan. Ayon sa kanya, hindi isinama sa nakasulat na report ang dokumentong nagpapatunay na pineke ang pirma ni Gob. Rafael Nantes sa permit na di umano ay ibinigay nito. Gayundin, ang report na ginawa at isinumite ng kanyang mga staff ay hindi dumaan sa kanya upang kanyang pagtibayin. Gayunpaman, binigyan pa rin ng pagpapatibay ng NCIP National at Regional office ang aplikasyon. Kung kaya, naging bulong-bulongan sa pagtitipon na maaaring minadali ang pagbibigay ng permit sa pagmimina ng PKSK at posibleng isa ito sa mga tinatawag na ”midnight deal” ng mga datihang opisyal ng NCIP.

Pinukol ng maraming tanong ang kinatawan ng DENR-CENRO ng Real tungkol sa malawakang iligal na pagpuputol ng kahoy. Pangunahing inireklamo ng mga katutubo ang kawalan ng aksiyon ng DENR upang pigilan ang illegal logging. ”Ayon sa ating usapan, ang mga katutubo ang siyang dapat makakuha ng mas maraming bilang sa Bantay-Gubat ngunit sa kasalukuyan mas marami pa rin ang Bantay-Gubat na Tagalog”, binigyang diin ni Tribal Gov. Nap Buendicho. Ang mga katutubo ang higit na nakakaalam ng pasikot-sikot sa kagubatan at kung paano ito higit na mapuprotektahan ayon pa sa kanya.

Tiniyak din ng kinatawan mula sa OPPAP na kanyang dadalin sa kanyang pakikipag-usap kay NCIP Exec. Dir. Quillaman at sa pamunuan ng OPPAP ang lahat ng nilalaman ng adyenda ng mga katutubo. Ang OPPAP ay may binuong katulad na dokumento sa sektro ng mga katutubo sa buong bansa.

Sa talakayan ay ipinangako ni Lt Cortez ng 1st IB na kanilang igagalang ang karapatang pantao ng mga katutubo sa pamayanan at sabay panawagan na tulungan silang maunawaan ang kakaibang kultura ng mga katutubo.

Nilahukan din ang forum ng mga kinatawan mula sa iba’t-ibang NGO gaya ng Team Energy, NTFP-TF, Haribon Foundation, TFDP at TCD.

IP Network (South Sierra Madre) Assembly

Habang isinasagawa ang forum sa Plaza ng Infanta ay ginanap din sa Mt. Carmel High School ang pagtitipon ng binuong samahan ng iba’t-ibang grupo ng mga katutubo sa South Sierra Madre sa pamamagitan ng Sulong! CAHRHIL. Ang IP Network South Sierra Madre ay pinamumunuan ni Ramcy Astoveza, ang director ng TCD. Pangunahin sa mga paksang tinalakay ang mga pamamaraan sa pagpapalakas ng samahan at pagtatalaga ng tagapag-ugnay ng network na nakuha ng kinatawan mula Camarenes sa tribung Kabihog.

Ang asembliya ay nilahukan ng mga katutubong Agta/Dumagat sa Hilagang Quezon, Ayta ng Timog Quezon, Tarlac at Camarines Norte at Agta ng Dinggalan at Casiguran, Aurora.

Ikalawang Panuppoy Festival

Binuksan ang huling araw ng festival sa isang ritwal ng pananalangin na pinamunuan ni tribal elder Erning Conchada at sa pambungad na pananalita ni tribal elder Jaime Avellaneda. Isang binalot na mga tuyong dahon ang sinindihan na nagdulot ng usok na siyang nag-umpisa ng pagbabasbas ng pasasalamat sa kalikasan at kay Makidepet para sa pagdiriwang. Sinundan ito ng sama-samang pagparada ng mga katutubo sa suot nilang bahag at tapis sa mga pangunahing daanan ng Infanta. Pinangunahan ng mga mag-aaral ng Sentrong Paaralan ng mga Agta(SPA) ang katutubong sayaw gamit ang mga piraso ng kawayan na nagdulot naman ng nakakaindak na tunog.

Pumarada din ang mahigit sa 40 kasapi ng Tanod Lupaing Ninuno dala ang kani-kanilang pana at sibat. Ang Tanod Lupaing Ninuo ay binubuo ng mga kalalakihan at kababaihang Agta mula sa iba’t-ibang pamayanan na handang magbigay ng kanilang oras para sa proteksiyon ng lupaing ninuno. Nilalakad ng SAGIBIN-LN at ni Tribal Governor Nap Buendicho na sila ay maging bahagi ng Barangay Tanod ng bawat barangay na nakakasakop sa kanilang mga pamayanan.

Matapos ang parada ay muling nagtipon ang mga katutubo sa Plaza ng Infanta kung saan nagkaroon ng programa na kinatampukan ng mga kulturang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng SPA, paghahandog ng katutubong awitin ng mga matatandang Agta at mga pagpapahayag na pananalita ng mga panauhin. Iginawad din ang karangalan sa mga katutubong nagsipagwagi idinaos na Tribal Games sa pamamahala ng Philippine Olympic Committee. At ang pagkilala sa natatanging kontribusyon sa kapakanan ng tribu nina Dir. Roberto Almonte ng NCIP Quezon Provincial Office at Jenne de Beer ng NTFP-TF. Sa huling bahagi ng pagdiriwang ay isa-isang nagpakuha ng litrato ang bawat pamayanan sa pangunguna ng kani-kanilang chieftain.

Nagtapos ang pagdiriwang bandang alas-3 nang hapon. Ang lahat ay nagtungo sa Tando beach upang magdiwang ng tagumpay ng Ikalawang Panuppoy Festival ng mga Katutubong Agta/Dumagat.

ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD


1. Sa Lupaing Ninuno

1. Kilalanin ang karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno batay sa itinatadhana ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA.
2. Maglaan ng karagdagang pondo sa NCIP para sa lahat ng gawain (gaya ng pagsusukat) na may kaugnayan sa aplikasyon sa CADT sa lahat ng bayan na may mga pamayanang katutubo.
3. Pondohan ang pagbubuo ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) ng CADT sa bawat bayan na may mga pamayanang katutubo.
4. Repasuhin ang kasunduan sa pagitan MWSS, lokal na pamahalaan at ng ilang lider ng mga katutubo ukol sa Sumag-Umiray Transbasin Project sa Hen. Nakar. Tiyakin na ang pondong nakalaan para sa mga katutubo ay makakarating sa kapakinabangn ng mga katutubo.
5. Huwag payagang matuloy ang pagtatayo ng Laiban Dam, Kanan B1 Dam at iba pang dam na gagawin sa bahagi ng Lalawigan ng Quezon.
6. Huwag pahintulutan ang mga bagong aplikasyon sa mining, IFMA at SIFMA sa lalawigan ng Quezon. Ipatigil ang mga mining operation na sumisira sa kalikasan.

2. Sa Kalusugan

1. Maglaan ng isang milyong piso (P1,000.000.00) upang matugunan ang pangangailangan ng mga katutubo sa hospital. Ang pondong ito ay ilalagak sa pampublikong ospital sa Infanta at Lucena kung saan babawasin ang mga gastusin sa gamot at iba pang bayarin sa ospital ng mga katutubong nagpapatingin doon.
2. Magtayo ng IP desk sa bawat pampublikong ospital na siyang tutulong at mag-aasikaso sa mga katutubong nangangailangan. Ang IP desk ay dapat mayroong regular na katutubong staff na sinusuwelduhan ng panlalawigang lokal na pamahalaan.
3. Ang mga matatanda ng tribu ay mabigyan ng libre at ispesyal na atensyon sa mga pampublikong ospital sa lalawigan. Bigyan ng senior citizens ID ang lahat ng matatanda.
4. Bigyan ng Philhealth ID ang lahat ng pamilyang katutubo.
5. Maglaan ng karagdagang 50 % sa kasalukuyang pondo ng Programang Pangkalusugan ng bawat barangay. Ito ay gagamitin sa pagtatayo ng extension ng barangay health center sa bawat pamayanang katutubo na nasa loob ng barangay. Ang extension ng barangay health center ay dapat mayroong maliliit na botika at may kasanayang IP health worker na regular na kasapi ng Barangay Health Workers na naglilingkod particular lamang sa mga katutubo.
6. Gawing General Hospital ang ang CM Recto Memorial Hospital upang matugunan ang lahat ng pangangailangan sa hospitalisasyon hindi lamang ng mga katutubo kundi ng lahat ng mamayan sa Hilagang Quezon.
7. Itaas ng 100 % ang kasalukuyang budget sa Programang Kalusugan ng lahat ng lokal
na pamahalaan.

3. Sa Kabuhayan

1. Maglaan ng pondo ang lokal na pamahalaan para palakasin ang promosyon ng mga produktong katutubo gaya ng agrikultura, yaring-kamay, at iba pa.
2. Mabigyan ng kaukulang permit sa pag-ani, produksiyon at pagbebenta ng mga hindi kahoy na produktong gubat gaya ng uway, pulot, almasiga, at iba pa.
3. Magtalaga ng mga katutubong Bantay-Gubat na may inilaang kaukulang pondo para sa kanilang alawans.
4. Tulungan ang mga katutubo na mapalakas ang pagtatanim, pagpuproseso, at pagbebenta ng mga partikular na produkto ng mga pamayanan. Halimbawa, saging sa Polilio at citrus at kamoteng kahoy sa Baykuran at yokyok
5. Suportahan ang pagpapalakas sa wildlings nursery lalu na sa pagbubuo nito sa bawat pamayanan, pagpapataas ng kakayanan sa pagsasagawa at pagbebenta ng wildlings.
6. Maglaan ng pondo para sa Balik-Gubat Cooperative ng mga katutubo sa Hilagang Quezon.
7. Bigyan ng pantay na oportunidad ang mga katutubo sa mga naangkop na trabaho sa lokal na pamahalaan.
8. Magbigay ng bangkang angkop para sa pagbibiyahe ng mga produkto


4. Sa Edukasyon

1. Suportahan ang Sentrong Paaralan ng mga Agta na nagbibigay ng edukasyong angkop sa katutubo.
2. Dagdagan ng 30 ang bilang ng mga kabataang katutubo na tumatanggap ng scholarship sa high school at college sa bawat bayan. Ibatay ang mga pamantayan sa kakayanan at kakanyahan ng mga katutubo.

5. Sa Pagpapalakas ng Partisipasyon ng mga Katutubo sa Pamamahala

1. Italaga sa unang buwan ng panunungkulan ang mga kinatawang sektoral ng mga katutubo sa lahat ng antas ng lokal na sanggunian na itinatadhana ng mga umiiral na batas. Ilaan ang kaukulang pondo para sa mga programa at benepisyo ng kinatawang sektoral ng mga katutubo.
2. Magpagawa ng sentrong tanggapan ng mga tribu sa lalawigan ng Quezon at lahat ng bayan na mayroong mga pamayanang katutubo.
3. Magpasa ng ordinansa na naglalaan ng 5% sa IRA ng lalawigan, mga bayan at barangay na mayroong mga pamayanang katutubo na gagamitin sa pamamahala ng mga tribu taon-taon.
4. Magtalaga ng mga katutubong Bantay-Gubat na may inilaang kaukulang pondo para
5. sa kanilang alawans.
6. Gawing bahagi ang mga katutubo sa lahat ng kaukulang local special bodies na bumubuo ng mga polisiya at plano sa pag-unlad ng lalawigan at lahat ng bayan at barangay na may pamayanang katutubo.
7. Gawing regular na pagdiriwang ng lalawigan ng Quezon at ng mga bayang may mga katutubo lalu na sa Hilagang Quezon ang Panuppoy Festival. Maglaan ng taunang pondo sa pagsasagawa nito.
8. Ipatupad ang alituntunin sa IPRA sa pagpili at pagtatalaga ng mga Komisyoner ng NCIP.

6. Sa Pangkapayapaan

1. Ipagbawal ang pagtatayo ng kampo ng mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas sa mga pamayanan ng mga katutubo. Limitahan din ang kanilang pagdalaw o pagpasok sa mga pamayanan .
2. Tiyakin na sinusunod ng mga kawal ng Sandatahng Lakas ang lahat ng umiiral na batas ukol sa paggalang sa mga Karapatang Pantao.
3. Tulungan na magkaroon ng mga kasunduang pangkapayapaan na pangmatagalan ang mga armadong grupo upang matiyak ang kaligtasan, kapayapaan at pag-unlad ng mga pamayanang katutubo.
4. Magtalaga ng mga katutubo na susubaybay sa mga paglabag sa karapang pantao.
5. Magtalaga ng mga baranggay tanod na katutubo sa bawat barangay na pipiliin at ihahalal ng mga pamayanan. Ang mga katutubong tanod ay dapat tumanggap ng anumang benepisyo na tinatanggap ng tanod sa barangay. Sila ay partikular na magsisilbi sa kanilang nasasakupang pamayanang katutubo.
6. Maglagay ng mga Solar Energy sa mga Bahay-Pulungan ng mga katutubo.
7. Pagkalooban ng Radio ICOM na may kaukulang permit ang mga pamunuan ng mga katutubo.