Posts

Showing posts from 2009

Lakad laban sa Laiban DAM Day 4

Image
MEDIA ADVISORY Day 4 Lakad Laban sa laiban Nov 6 2009 Saturday Mabitac, Laguna By Bro Martin Francisco SSMN spokeperson CP (0929) 783-5240 ____________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ ___ MABITAC,LAGUNA – Ang katutubo, magsasaka, maralitang-lungsod, kabataan at mga environmentalist ng kasama sa 150 marchers ng Lakad Laban sa Laiban ng Save Sierra Madre Network (SSMN) ay patuloy sa kanilang ika-apatna araw na paglalakad mula sa parokya ni San Sebastian, Famy, Laguna hanggang bayan ng Pililia, Rizal na may sukat na 26 kilometro kung saan ay tinanggap sila upang magpalipas ng gabi at binasbasan din sa kanilang muling paglalakad ni Msgr. Eser kura paroko. Ang naging tema ng mga nag-alay Lakad Laban sa Laiban at seguridad sa pagkain kung saan ay nadaanan nila ang mga palayan sa tabi ng Lawa ng Laguna na pinalubog ng nakarang mga bagyo ng Ondoy,Pepeng at Santi. At makikita sa bakas ng mga palayan hanggan ngayon ang pinsala ng pagkalubog ng mga nasabing p...
Image

Lakad laban sa Laiban Dam

Image
Igalang ang aming buhay, kilalanin ang aming karapatan... Pangalagaan ang kabundukan para sa ating kinabukasan...

Igalang ang aming Lupain at kabuhayan

TANGGAPAN NG GOBERNADOR NG TRIBU 2nd floor TCD building # 86 P. Gomez St. Pob. 39 Infanta, Quezon Hulyo 16, 2009 GLORIA MACAPAGAL ARROYO Pangulo ng Pilipinas Palasyo ng Malakanyang Mapagkaisang pagbati! Ang tangagan po ng Gobernador ng mga Katutubo ay sumulat sainyong tanggapan upang ipaabot ang isang kahilingan kaugnay sa mga proyektong nakakaapekto sa buhay at ari-arian ng mga mamayanan sa tatlong bayan ng hilagang Quezon (Real, Infanta at Gen. Nakar), Ganundin po ang pagkasira ng ating kalikasan sa nasabing bayan. Sapagkat; ang mga proyektong LAIBAN DAM na sumasaklaw sa bahagi ng RIZAL at bayan ng GENERAL NAKAR, QUEZON ay tinututulan po naming maisakatuparandahil nababahala po kami na maulit ang naganap na sakuna noong November 2004 kung saan marami ang namatay at nawalan ng mga ari -arian. Sapagkat; ang proyektong nabanggit ay sakop ng aming Lupaing Ninuno na aming pinangangalagaan upang hindi masira at mapanatili ang magandang kabundukan at likasyaman na kung saan dito kami nanini...

Pahayag sa ng Suporta

CATHOLIC BISHOPS’ CONFERENCE OF THE PHILIPPINES (CBCP) EPISCOPAL COMMISSION ON INDIGENOUS PEOPLES (ECIP) CBCP BLDG., 470 GEN. LUNA STREET, INTRAMUROS 1002 MANILA, PHILIPPINES TEL. 02-527-4062 FAX. 02-527-41-55 EMAIL: ecipns@yahoo.com.ph PAHAYAG NG PAKIKIISA LABAN SA LAIBAN DAM Hulyo 20, 2009 “…Ang Diyos ay laban sa mga palalo, ngunit tumutulong sa mga mapagpakumbaba” (Santiago 4:6) Ang Episcopal Commission on Indigenous Peoples (ECIP) ay nakikiisa sa pagtutol ng mga katutubong Agta at Remontado, kasama ang maraming maka-kalikasang grupo, laban sa pagtatayo ng Laiban Dam. Kami rin ay sumusuporta sa pahayag ng Prelatura ng Infanta at Social Action Center ng Diyoses ng Antipolo laban sa bilyon-bilyong pisong halaga ng proyekto na magpapalubog sa pitong barangay ng Rizal at isang barangay ng Quezon. Noon pa mang dekada ’80, mariin nang tinututulan ng mga katutubong Agta (Dumagat) at Remontado ang pagtatayo ng Laiban Dam sa kadahilanang ito ang sisira ng kanilang lupaing ninuno, lupain k...

Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Image
Ang Casiguran ay matatagpuan sa lalawigan ng Aurora kung, Bagamat pinasok ito ng logging ay masasabi parin na mayaman ang kapaligiran nito. Malalawak na palayanan na sinasaka ng mga magsasaka, malinis na Dagat na pinapangisdaan ng mga mangingisada. Sa mayamang kapaligirang ito nabubuhay ang maraming mamamayanan masasabing dito nagmumula ang pangunahing hanap buhay. Ang pangunahing tao na naninirahan dito ay ang mga katutubong Agta/Dumagat, sila ay matatgpuan sa baybay ng dagat at sa mga bulubundukin ng Sierra Madre. Sila ay malayang namumuhay sa mayamang kapaligiran sa piling ng lupaing ninuno. Munit lingid sa kanilang kaalaman sila pala ay mapapalayas sapilitang magbabago ang kanilang kutura, pamumuhay Dahilan sa masasakop ang 3 baranggay na tinatawag na AURORA SPECIAL ECONOMIC ZONE AUTHORITY(ASEZA) kung saan nakapaloob dito ang pamayang katutubo, Di pa kasama dito iba pang karatig pamayanan na matatagpuan sa bayan ng Casiguran na maaring maipiktuhan ng ASEZA.

Pangulo ng SAGIBIN pinarangalan

March 29 2009 Si Conching Calzado ay nakatanggap ng isang pagkilala sa pagdiriwang ng Natatanging Araw ng kababaihan sa bayan ng gen. Nakar, Quezon. Si Conching Calzado ay isang katutubong Agta/Dumgat sya ay pinanganak sa bayan ng gen. Nakar sa pamayan ng Tamala, Mahabang panahon syang kumilos bilang isang lider, naging pangulo ng SAKABINSA noong 1987, Naging kunsehal ng Bayan ng Gen. Nakar, sa kasalukuyan ay pangulo ng SAGIBIN-LN.

Sino ba si Napoleon Buendicho

Image
Si Napolion Buendicho ay isang katutubo Dumagat 32 taong gulang, Sya ay pinanganak sa Bayan ng Hen. Nakar, Quezon Sa pamayan ng Tamala, Brgy. San Marcelino noong April 04, 1977. Siya ay nakatapus ng Literacy and Numeracy ng Sentrong paaralan ng mga Agta (SPA) sa Brgy. San Marcelino, Hen. Nakar, Quezon noong 1988. Modular Course on Indigenous Peoples Education noong 1994. Dagdag dito ang ibat ibang mga pagsasanay na kayang dinaluhan Malaki ang karanasan sa paglilingkod sa pamayanan, naging Community Organizer ng TCD, Vice -President at president ng AGTAorg at naging Borb Member sa Tribal Center for Development Foundation

Dumagat/Agta may bagong halal na Pinuno

Image
Maaalalang noong Oktubre 8, 2008 si G. Napoleon S. Buendicho ay itinalaga bilang bagong gobernador ng Tribung Dumgat ng mahigit sa 400 daang katutubo na mula sa mga bayan ng Burdios, Pollio, Panukulan, Real , Mauban at Gen. Nakar ng Lalawigan ng Quezon. at binasbasan kinilala noong October 9, 2008 na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa, Simbahang katuliko sa katauhan ni Fr. Mario Establiceda, at kinatawan mula sa upisina ni Gob. Raffy Nantes at Mayor Liovigeldo Ruzol at Vice Mayor Josie Vargas Sa bisa ng RA. 8371 IPRA (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) na kumikilala katutubong batas (costumary laws). itinalaga si Napoleon Mariin naman tinutulan ng dating Gobernador ng tribu ang pagkakatalagang ito, Dahilan dito sinuri at pinag-usapausapan ngmga nakakatanda ang riklamong ito. Sa pamamagitanat ng Mungkhi ng NCIP na gamitin ang katutubong batas at dahilan dito nagkaroon ng panawaqgan na magkaroon ng kapulungan ng mga nakakatanda upang pag-usapan ang riklamo kasama na ang iba pang usa...