TANGGAPAN NG GOBERNADOR NG TRIBU
2nd floor TCD building
# 86 P. Gomez St. Pob. 39
Infanta, Quezon



Hulyo 16, 2009


GLORIA MACAPAGAL ARROYO
Pangulo ng Pilipinas
Palasyo ng Malakanyang



Mapagkaisang pagbati!

Ang tangagan po ng Gobernador ng mga Katutubo ay sumulat sainyong tanggapan upang ipaabot ang isang kahilingan kaugnay sa mga proyektong nakakaapekto sa buhay at ari-arian ng mga mamayanan sa tatlong bayan ng hilagang Quezon (Real, Infanta at Gen. Nakar), Ganundin po ang pagkasira ng ating kalikasan sa nasabing bayan.

Sapagkat; ang mga proyektong LAIBAN DAM na sumasaklaw sa bahagi ng RIZAL at bayan ng GENERAL NAKAR, QUEZON ay tinututulan po naming maisakatuparandahil nababahala po kami na maulit ang naganap na sakuna noong November 2004 kung saan marami ang namatay at nawalan ng mga ari -arian.

Sapagkat; ang proyektong nabanggit ay sakop ng aming Lupaing Ninuno na aming pinangangalagaan upang hindi masira at mapanatili ang magandang kabundukan at likasyaman na kung saan dito kami naninirahan.

Sapagkat; ang mga proyekto pong nabanggit ay walang pagkonsulta sa aming hanay na mga Katutubo. Ito ay po ay paglabag sa Republic Act 8371 o batas IPRA. Kung kaya’t mahigpit naming tinututulan. ang proyektong LAIBAN DAM. Kasabay po ng pagtutol na ito ay hinihiling po namin sa inyong tanggapan na kansilahin ang kapahintulutan sa pagsasagawa ng proyektong nabanggit sa lalong madaling panahon.

____________________ _______________________
MILICIO RUTAQUIO NAPOLION BUENDICHO
Volunteer Staff TRIBAL GOVERNOR



Binigyang sipi:

Hon. Rafael Nantes (Governor Province of Quezon)
Hon. Mark Enverga (Congressman of 1st District of Quezon)
Sec.Lito Atienza (Department of Environment and Natural Resources)
Dir. Roberto Almonte (NCIP Provincial Office)
Hon. Leovigeldo Ruzol (Municipal Mayor of General Nakar, Quezon)

Comments

Popular posts from this blog

ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD

Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Sino ba si Napoleon Buendicho