Dumagat/Agta may bagong halal na Pinuno
Maaalalang noong Oktubre 8, 2008 si G. Napoleon S. Buendicho ay itinalaga bilang bagong gobernador ng Tribung Dumgat ng mahigit sa 400 daang katutubo na mula sa mga bayan ng Burdios, Pollio, Panukulan, Real , Mauban at Gen. Nakar ng Lalawigan ng Quezon. at binasbasan kinilala noong October 9, 2008 na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa, Simbahang katuliko sa katauhan ni Fr. Mario Establiceda, at kinatawan mula sa upisina ni Gob. Raffy Nantes at Mayor Liovigeldo Ruzol at Vice Mayor Josie Vargas
Sa bisa ng RA. 8371 IPRA (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) na kumikilala katutubong batas (costumary laws). itinalaga si Napoleon
Mariin naman tinutulan ng dating Gobernador ng tribu ang pagkakatalagang ito, Dahilan dito sinuri at pinag-usapausapan ngmga nakakatanda ang riklamong ito.
Sa pamamagitanat ng Mungkhi ng NCIP na gamitin ang katutubong batas at dahilan dito nagkaroon ng panawaqgan na magkaroon ng kapulungan ng mga nakakatanda upang pag-usapan ang riklamo kasama na ang iba pang usaping pantribu.
Sa naganap na pagtitipon muli noong Marso 15 to 17 Inimbitahan dito ang nakatatanda at kapitan ng mga katutubong pamayanan sa bayan ng Nakar, Real, Mauban, Burdeos at kinatawan din mula sa mga katutubong Eta ng Alabat, Katanawan, at Lupes sa lalawigan ng Quezon. Inimbitahan din dito ang ibat ibang Samahang pang tribu. SAGIBIN-LN, AGTAOrg, PKSK, SKBS at dinukuminto at pinadaloy ng NCIP sa tulong din ng TCD.
Sa kabuoan ng kapulungan ng mga matatanda,nakaglabas ngmga mga 5 resulosyon una dito ay ang: Resulosyon Paglalaan ng pundo para sa mga katutubo sa bayan na maykatutubo. Resulosyon sa pagsasaayos ng katutubong balangkas pampulitaka, Resulosyon ,Tigilan ang paglabag sa karapan ngmga katutubo ng mga armadohang grupo, ang patuloy na militaresasyon. Resulosyon na magkaroon ng pundo para sa scholar sa mga katutubo.
At ang Resulosyon sa pagkilala at pagtatalaga kay Napoleon Buendicho bilang bagong Gobernador ng Trubo, na kapalit ni Thelma Aumentado.
Comments