Lakad laban sa Laiban DAM Day 4


MEDIA ADVISORY
Day 4 Lakad Laban sa laiban
Nov 6 2009 Saturday
Mabitac, Laguna
By Bro Martin Francisco SSMN spokeperson
CP (0929) 783-5240

____________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ _________ ___

MABITAC,LAGUNA – Ang katutubo, magsasaka, maralitang-lungsod, kabataan at mga environmentalist ng kasama sa 150 marchers ng Lakad Laban sa Laiban ng Save Sierra Madre Network (SSMN) ay patuloy sa kanilang ika-apatna araw na paglalakad mula sa parokya ni San Sebastian, Famy, Laguna hanggang bayan ng Pililia, Rizal na may sukat na 26 kilometro kung saan ay tinanggap sila upang magpalipas ng gabi at binasbasan din sa kanilang muling paglalakad ni Msgr. Eser kura paroko.



Ang naging tema ng mga nag-alay Lakad Laban sa Laiban at seguridad sa pagkain kung saan ay nadaanan nila ang mga palayan sa tabi ng Lawa ng Laguna na pinalubog ng nakarang mga bagyo ng Ondoy,Pepeng at Santi. At makikita sa bakas ng mga palayan hanggan ngayon ang pinsala ng pagkalubog ng mga nasabing palayan na pumatay ng maraming palayan dulot ng pag-agos ng tubig baha kasama ang putik mula sa Sierra Madre.

Bahagi ng kampanya at diwa ng Lakad Laban sa Laiban dam ay Makita ang ugnayan ng Sierra Madre sa mga mga magsasaka na siyang lumilinang ng ating palayan nguynit ngayon ay naghihirap dulot ng pagkawasak na tin ng ating kalikasan at kawalan ng pagpapahalaga ng pamahalaan sa mga itatayong proyektong di kaugnay ng ekosistema tulad sa Laiban.

Nakiisa ang mga marchers sa mga magsasaka ng Mabitac na hanggang ngayon ay unti-unti nilang inaani ang ilang nabulok na palay na nalubog sa baha. At tanaw sa kabundokan ng Mabitac ang malawak na palayang pinalubog ay nadama nila ang kahirapan ng lahat kung nagsalo-salo sila lugaw sa bao bilang pakikiisa sa kalagayan ng ating food security,

Nanaawagan ang mga marchers ng Lakad Laban sa Laiban kay Pangulong Gloria Macapagal Arroyo na tuluyan ng ibasura ang pagtatayo ng Laiban Dam upang ano anumang kahirapan ng mga maliliit na magsasaka at ang ating bansang umaasa sa mga palayan ay hindi kapusin ng bigas.

Kita sa hirap na nararamdaman ng mga marchers ang kanilang pananakit ng katawan, paa na puro paltos na at mga tsinelas na pudpod ang kanilang kasalukuyang kalagayan matapos ang pang-apat na raw na pagsasakripisyo nila upang mapansin ng ating Pamahalaan ngunit higit ag kanilang pagdaramdam sa kalagayn ng ating sakahang pinalubog ng baha dahil na rin ating kapabayaan at maling pagpapasya ng ating mga pinunong lider ng bansa.

Bmf 11:05am/pililia

Comments

Popular posts from this blog

ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD

Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Sino ba si Napoleon Buendicho