ANG HAPUNAN KO SA MALAKANYANG

Nakatanggap na ba kayo ng ibitasyon ng ganito….
“Dear Mr. Ramcy Astoveza,
On behalf of the Office of the President, we are sending you the attached the electronic copy of the invitation for you to the Dinner Reception hosted by the President in Celebration of the 2010 Eid El-Fitr. Kindly let us know the address where we may send the actual invitation.You may respond to this e-mail to confirm your attendance or call the numbers listed in the guest cards to RSVP.” Waw galing… agad ko nabasa “Office of the President,”
Taas noo ako dahil bihira ang ganon na pangyayari ang ganun na maimbitahan ka ng mismong Opisina ng pangulo… E kung bihira maimbita sa munisipyo e lalong napaka impusibling mangyari sa lago anganun sa opisina ng pangulo… Tuwang tuwa ako syempre… lagi ko kinukwinto sa kapwa ko katutubo…. At sila rin kahit di sila kasama natutuwa na kami ay naimbitahan kahit ako lang ang pwidi...
Binasa ko pa ang imbitasyon… Dinner tananung ko agad sa kasama ko kunga anong dinner “ alam ko naman kaso nagsiguro ako na tama ang pang-unawa ko… Hapunan…. Waw na naman… kasalo ko ang pangulo sigurado e hapunan yon e…
Ganun paman, gusto ko humingi sa mga kapatid nating Mislim dahilan sa hindi ko naman masyado naintindihan ang pagdiriwang na ito ganun paman dahil ako ay isang katutubo tinatanung ko kung ano ibigsabihin nito… di man ganun ka linaw ang kahulugan nito sakin naramdaman ko ang kasagraduhan nito dahil ito ay tumatahi sa kanilang pagkatao… nagpapanatili ng kanilang kasaysayan… Dahilan dito buong puso ko na tinugun ang imbitasyon na ako ay dadalo at makikiisa… nais ko maunawaan at maintindihan ang aming pagkakaiba ng kultura…
Sa tuwa ko agad ko sinagut…. Ng ganito…
“Ako po ay natutuwa na mapasama. Makakapagpadalo po kami, ilan po ba kilangan o pwiding isama?”
Napaka bilis at maiksing masyado ang saking sagot, nalimutan ko panga Addris namin… pinahabol ko na lang…. Buti na lang may E-mail ako… madali kong nasagut… kung nagkataon na wala pamihado wala na naman… May nalimutan na naman ako, dahilan sa ang aming tribu ay masyadong naisantabi, napakababa ang tiwala sa sarili bunga ng mahabang panahon na diskriminasyon… dali dali ko tananung ulit… ang ganito…

Magandang umaga po,

May ilang bagay po pala ako nais itanung

1. tungkol sa kasuootan, pwidi po ba doon ang nakabahag ito ay aming tradisyon at opisyal na kasuotan sa panahon ng mga opisyal na pagtitipon. Kung hindi po pwidi ano po ang pwidi?
2. Saan na po magkikitakita, tayo po ba ay samasamang pupunta sa Malakanyang? saan magkikitakita?

ito lamang po at muli maraming salamat
At agran din naman akong sinagot….
Mr. Astoveza,


Maraming salamat po sa agarang sagot at pagkumpira. Ikinalulungkot naming ipaalam na ang imbitasyong ito ay ipinadadala namin sa mga piling kinatawan lamang ng bawat NGO at civil society organization. Ang imbitasyong ito ay para lamang sa inyo. Nawa'y sa mga susunod na salu-salo ay magkaroon ng pagkakataon ang iba pa nating kasama na makadalo.

Ipadadala na lamang po namin ang aktwal na imbitasyon sa iyong adres.

Salamat sa inyong pang-unawa. Aasahan po namin ang inyong pagdalo.

Galing no… buti na lang may Internet…. At sagut pa rin…
Dear Mr. Astoveza,

Pasensiya na po, Sir, maliban po sa ating mga kapatid na Muslim magdiriwang ng pagtatapos ng Ramadan, ang lahat po ay inaaasahang magsuot ng pormal na kasuotan (polo/Barong/longsleeves at slacks para sa lalaki).

Tungkol naman po sa pagpunta sa Malacañang, hindi na po tayo magtitipon bago pumunta. Diretso na po kayo sa Malacañang. (sadya ko ilalis ang pangalan nakakahiya naman sa kanila at kaibigan naman natin sila…

Salamat po.

Nalungkot ako, tungkol dito… piro di naman ako nawalan ng pag-asa… kinausap ko ang ilang mga matatanda ilang leder… Tinanong ko sila… ano Magbarong ako o hindi… Sabi nila dapat magsuot ka ng bahag, di na nga kami makasama pati ang tribu natin di mo ipapakilala… kapag nakabahag ka… ibig sabihin ang tribu natin tinatanggap sa Malakanyang… Bilang naimbitahan ako… pinakita ko sa kanila na kayak o ipasuk ang aming tribu sa Malakanyang… Inayos ko ang aking bahag… palamuti… di ko nga makita ang nakatabi ko na Biskal nanghiram na lang ako. Ang biskal po ay isang gamit namin upang ang isang katutubo ay tingnan ng ka tribu mo na Makisig, Kagalang galang… isinuuot ito sa Kisig ng braso…

Dahil di pa maayos ang ID ko… Dinala ko ang Passport ko… baka di ako papasukin dahil kilangan naman talaga yoon para sa siguridad… at paggalang

Sept. 10 yata ang pagtatapos ng Ramadan, pero sa malakanyang 13 naipagdiwang, marami siguro gawa ang pangulo, dahil Sept. 13 ito pinagdiwang ng malakanyang at Sept. na naman ako pinapadalo, medaling araw ako umalis pungtang maynila… Dumalo na rin ako sa isang okasyon dahilan sa hapon naman ito padiriwang… sinamantala ko na namakasama pa sa ibang gawain...

Hapon na, kinakabahan ako, syempri makikita ko na ang presidinti… panay tingin ko sa urasan… Nag-iisip pa rin ako kung pwidi o hindi ang nakabahag… noong mga 4:00 na nag hapon ng Sept. 13, kinausap ako ng ilang mga kaibigan namin, ano ang araw susuotin? Sabi ko naman Bahag syempri… Mahigpit raw ang malakanyang sa kasuotan… Ito ay para sa mga kapatid nating muslim… Baka maiskandalo ang mga kababaihang muslim… sabi naman ng isa sa kalapit ko… pahiramin kita ng susuotin mo… Marami raw protukol sa malakanyang… Ssaka Denner lang naman daw … wala ibang pag-uusapan… dina magsasalita… Nag-usap usap sila…
Tinigasan ko sakanila na susuotin ko ang aking aming prumal na kasuotan, ito ang nagpapakilala kung siino ako at taga saan ako… Dahilan sa di ko gusto na alisin ang bahag ko, Dahil di ko naman kabisado ang kultura ng ating mga kapatid at ako bilang katutubo napakahalaga sa akin ang paggalang dito… ito ay sagrado at datap igalang at pahalagahan. Sa amin ito ang nagpapanatili ng aming kapayapaan, ugnayan paggalang at pagpapahala… Pinasya ko at sinabi ko na dindi na lang ako sasama at papasuk sa malakanyang at makiisa sa pagdiriwang…

Naiwan ako ng mga kasama ko na imbitado at may isa pa pala ako kasama na di nakapasok dahilan sa sinabihan ko na magbahag kami. . . . Napahiya nga ako dahil ako ang may gawa bakit di sya nakapasok… panay ang hingi ko sa kanya ng pasensya… Sabi naman nya… okey lang yon papat naman na kilalanin nila tayo…

Pag-alis nila… Naisip ko, Alam ba nila na ako ay katutubo na inimbita nila? Nasa plano ba nila na imbitahan ako? Naisip ko naman Siguro alam nila sa planning pa… Naitanung ko rin ano ba papil ko doon ? Di naman ako magsasalita…? Kung pampadami lang ng tao sa Malakanyang marami sa maynila na pwiding mahalbot… Mamahalin pa ang barong di pa sila mapapahiya sa pagdiriwang…

Noong gabi rin ng 13, nag tex ako sa kaibigan ko rin na Pare, Sabi ko di ako pwidi dahil nakabahag ako bawal daw sa loob… Di pala Bawal… Di pwidi ang nakabahag pumasok… Tex nya sakin… Ako naka Abito ako.. kung di ako pinapasok dalawa na kata… Balita ko nakapasok naman… May madre nga doon e…

Ganun paman, Alam ko na diskriminasyon sa amin ito… Ito ay panubagong karanasan ko… Hindi bago ang uri ng karanasan, ang bago rito ay ang Lugar ng pinangyarihan… Sa Kalsada lagi, sa mga bayan lagi.. sa mga paaralan lagi… Minsan nga nasasabi ko na lang sa kanila na nag-aaral ba kayo? Saang school, anong Year… Kung Elementry ka at o Grid 1. pusibli nga kukunti pa ang alam mo para samin… Sa Malakanyang at sa mga nasa loob nito di ko alam ang sasabihin ko… Piro kung susundin ang IPRA at ang mga kasunduan na pinirmahan ng pilipinas… dapat Makasuhan ang gumawa nito lalo at nasa pamahalaan, dahil ito ay isang paglabag sa aming karapatan at pagsasantabi sa aming katauhan… Gusto ko itanung sa mga naghanda ng pagtitipon nito, kinausap ba ng mga nagsipaghanda ang mga kapatid naming muslim na kami ay iimbitahan, kinausap ba nila na kami ay may mga ibang kasuotan? Alam ko sa pinaggalingan nila may mga katutubo rin at kasamasama rin nila sa kumunidad, tulad dito sa aming bayan may mga kaibigan din kami na tulad nila… Kung di naman talaga pwidi, dapat dina kami inimbita ng Malakanyang nang sa ganun di kami naisantabi…

Ang karansan ko na ito ay maaring maulit kung di natin papansinin, Maaring walang halaga, Subalit napakahalaga ito sa amin bilang kabahagi ng pamayanan. Isinulat ko ito, upang mabasa rin ng kaibigan ko, kamaanak ko at ng may ganito ring karanasan.

Salamat posa pagbabasa….

Ramcy

Comments

Anonymous said…
What is the best tipster for making money?
How to งานออนไลน์ make money betting? 1xbet The best tipsters kadangpintar out there are very good with a lot of knowledge and insight, and a lot of people like to see them

Popular posts from this blog

ADYENDA NG MGA AGTA/DUMAGAT SA LALAWIGAN NG QUEZON PARA SA PAGBABAGO AT PAG-UNLAD

Mga katutubong Agta ng Casiguran Aurora nanganganib sa ASEZA

Sino ba si Napoleon Buendicho