1. Sa Lupaing Ninuno 1. Kilalanin ang karapatan ng mga katutubo sa lupaing ninuno batay sa itinatadhana ng Indigenous People’s Rights Act o IPRA. 2. Maglaan ng karagdagang pondo sa NCIP para sa lahat ng gawain (gaya ng pagsusukat) na may kaugnayan sa aplikasyon sa CADT sa lahat ng bayan na may mga pamayanang katutubo. 3. Pondohan ang pagbubuo ng Ancestral Domain Sustainable Development and Protection Plan (ADSDPP) ng CADT sa bawat bayan na may mga pamayanang katutubo. 4. Repasuhin ang kasunduan sa pagitan MWSS, lokal na pamahalaan at ng ilang lider ng mga katutubo ukol sa Sumag-Umiray Transbasin Project sa Hen. Nakar. Tiyakin na ang pondong nakalaan para sa mga katutubo ay makakarating sa kapakinabangn ng mga katutubo. 5. Huwag payagang matuloy ang pagtatayo ng Laiban Dam, Kanan B1 Dam at iba pang dam na gagawin sa bahagi ng Lalawigan ng Quezon. 6. Huwag pahintulutan ang mga bagong aplikasyon sa mining, IFMA at SIFMA sa lalawigan ng Quezon. Ipatigil ang mga mining operation na sumisira...
Ang Casiguran ay matatagpuan sa lalawigan ng Aurora kung, Bagamat pinasok ito ng logging ay masasabi parin na mayaman ang kapaligiran nito. Malalawak na palayanan na sinasaka ng mga magsasaka, malinis na Dagat na pinapangisdaan ng mga mangingisada. Sa mayamang kapaligirang ito nabubuhay ang maraming mamamayanan masasabing dito nagmumula ang pangunahing hanap buhay. Ang pangunahing tao na naninirahan dito ay ang mga katutubong Agta/Dumagat, sila ay matatgpuan sa baybay ng dagat at sa mga bulubundukin ng Sierra Madre. Sila ay malayang namumuhay sa mayamang kapaligiran sa piling ng lupaing ninuno. Munit lingid sa kanilang kaalaman sila pala ay mapapalayas sapilitang magbabago ang kanilang kutura, pamumuhay Dahilan sa masasakop ang 3 baranggay na tinatawag na AURORA SPECIAL ECONOMIC ZONE AUTHORITY(ASEZA) kung saan nakapaloob dito ang pamayang katutubo, Di pa kasama dito iba pang karatig pamayanan na matatagpuan sa bayan ng Casiguran na maaring maipiktuhan ng ASEZA.
Si Napolion Buendicho ay isang katutubo Dumagat 32 taong gulang, Sya ay pinanganak sa Bayan ng Hen. Nakar, Quezon Sa pamayan ng Tamala, Brgy. San Marcelino noong April 04, 1977. Siya ay nakatapus ng Literacy and Numeracy ng Sentrong paaralan ng mga Agta (SPA) sa Brgy. San Marcelino, Hen. Nakar, Quezon noong 1988. Modular Course on Indigenous Peoples Education noong 1994. Dagdag dito ang ibat ibang mga pagsasanay na kayang dinaluhan Malaki ang karanasan sa paglilingkod sa pamayanan, naging Community Organizer ng TCD, Vice -President at president ng AGTAorg at naging Borb Member sa Tribal Center for Development Foundation
Comments