Posts

Showing posts from March, 2009

Pangulo ng SAGIBIN pinarangalan

March 29 2009 Si Conching Calzado ay nakatanggap ng isang pagkilala sa pagdiriwang ng Natatanging Araw ng kababaihan sa bayan ng gen. Nakar, Quezon. Si Conching Calzado ay isang katutubong Agta/Dumgat sya ay pinanganak sa bayan ng gen. Nakar sa pamayan ng Tamala, Mahabang panahon syang kumilos bilang isang lider, naging pangulo ng SAKABINSA noong 1987, Naging kunsehal ng Bayan ng Gen. Nakar, sa kasalukuyan ay pangulo ng SAGIBIN-LN.

Sino ba si Napoleon Buendicho

Image
Si Napolion Buendicho ay isang katutubo Dumagat 32 taong gulang, Sya ay pinanganak sa Bayan ng Hen. Nakar, Quezon Sa pamayan ng Tamala, Brgy. San Marcelino noong April 04, 1977. Siya ay nakatapus ng Literacy and Numeracy ng Sentrong paaralan ng mga Agta (SPA) sa Brgy. San Marcelino, Hen. Nakar, Quezon noong 1988. Modular Course on Indigenous Peoples Education noong 1994. Dagdag dito ang ibat ibang mga pagsasanay na kayang dinaluhan Malaki ang karanasan sa paglilingkod sa pamayanan, naging Community Organizer ng TCD, Vice -President at president ng AGTAorg at naging Borb Member sa Tribal Center for Development Foundation

Dumagat/Agta may bagong halal na Pinuno

Image
Maaalalang noong Oktubre 8, 2008 si G. Napoleon S. Buendicho ay itinalaga bilang bagong gobernador ng Tribung Dumgat ng mahigit sa 400 daang katutubo na mula sa mga bayan ng Burdios, Pollio, Panukulan, Real , Mauban at Gen. Nakar ng Lalawigan ng Quezon. at binasbasan kinilala noong October 9, 2008 na sinaksihan ng mga kinatawan mula sa, Simbahang katuliko sa katauhan ni Fr. Mario Establiceda, at kinatawan mula sa upisina ni Gob. Raffy Nantes at Mayor Liovigeldo Ruzol at Vice Mayor Josie Vargas Sa bisa ng RA. 8371 IPRA (Indigenous Peoples Rights Act of 1997) na kumikilala katutubong batas (costumary laws). itinalaga si Napoleon Mariin naman tinutulan ng dating Gobernador ng tribu ang pagkakatalagang ito, Dahilan dito sinuri at pinag-usapausapan ngmga nakakatanda ang riklamong ito. Sa pamamagitanat ng Mungkhi ng NCIP na gamitin ang katutubong batas at dahilan dito nagkaroon ng panawaqgan na magkaroon ng kapulungan ng mga nakakatanda upang pag-usapan ang riklamo kasama na ang iba pang usa...