Ni Kadengat BoyM Sa kabila ng matinding kahirapan na nararanasan dahilan sa mabilis na pagkaubos ng mga likas-yaman na kanilang pinagkukunan ng ikinabubuhay, ang mga katutubong Agta/Dumagat ay hindi nakakalimot na magbigay ng papuri kay Makidepet (ngalan ng kanilang Diyos) sa mga biyaya nito sa kanila. Suot ang kanilang mga kulay pulang bahag at tapis, mahigit sa 600 katutubong Agta/Dumagat ang nagtipon sa Plaza ng Inafanta, Quezon mula Abril 6 hanggang 8 para sa pagdiriwang ng kanilang Ikalawang Panuppoy Festival na may temang ” “Pagbabahagi at Pasasalamat sa patuloy na Pagpapaunlad at Pagtatanggol sa Lupaing Ninuno ng mga Katutubong Agta/Dumagat”. Ang unang Panuppoy Festival ay ginanap noong Oktibre 2008 sa pangunguna ng Tribal Center for Development (TCD) at SAGIBIN-LN, ang pederasyon ng mga pamayanang katutubo sa anim na bayan sa hilagang Quezon sa pamamagitan ng proyektong pangkultura ng Cultural Center of the Philippines (CCP). Sa taong ito, ang Non-Timber Forest Products- Task F...